Saturday, September 26, 2009

The Ultimatum Wave hits Manila...

It frustrates me that I feel powerless to help my girlfriend get home as I am also stuck here at home with very limited internet time as my asshole of a brother hogs MY laptop all day..

So I found out that its flooding badly in Manila. But what freaked me out the most was the fact that Pam's place was flooded. Hanggang "bewang".

At nasa opisina pa siya. Pumunta siya ng North Edsa para magwork (sobrang nakakairita na ginawa pa nya yun.) Tapos magtetext sya sa akin na

(a) Marami ng stranded along Edsa.
(b) Binaha na raw ang bahay nila.
(c) Hindi na siya makakauwi agad dahil nga sobrang lakas ng ulan

So after isang matinding tongue lashing, fast forward. Nagtext siya na nakaalis na siya.

5:30 pm - Tumawag ako nasa MRT Station sya sa North Edsa, nakapila daw siya sa bilihan ng ticket. And then I took a nap. Pag gising ko wala paring text sa kanya. Nakareceive ako ng text ke Pareng Blackheaven stating na hirap nga raw siyang umuwi. When I went to the living room, saktong sakto narinig ko sa Startalk yung interview nila kay Jennica Garcia...

Lubog na raw sa kanila.

I'm going to be the comic book geek for a while para sabihing, eto pala ang pakiramdam ng mga tao sa "Ultimatum" after getting hit by the Ultimatum wave. A big ass tsunami that flooded everything... And like the people in the book, I feel powerless. Gusto ko tumulong ( gusto kong sunduin ang girlfriend ko....) pero wala akong magawa. tao lang din ako. Isang taong walang magagawa kung mag-PMS si Mother Nature dahil napapabayaan natin sya.

She bit us hard this time. Dati, naniniwala akong Karma bites like a bitch. Ngayon isasama ko na si Mother Nature sa listahan na yun.

Going back to my topic. Kinakain na ako ng pagkabalisa at pagwoworry dahil 11:30 na at wala parin akong naririnig na balita mula kay Pam. At ngayon, sobrang grumpy ko na dahil gusto ko makarinig kung okay na siya or what.

Gusto kong maging okay lang sya.

Sabi nga ni Chief Alvin Balce na ka-chat ko habang nagtatype ng blog na to, i-assume ko na lang muna na lowbatt sya. Pero bakit hindi ko yata kayang gawin yun?

*Sigh.




No comments:

Search This Blog